Hustisya kay Mayor Uy, siniguro ni Aquino

MANILA, Philippines - Siniguro kaha­pon ni Pangulong Be­nigno Aquino III sa pa­milya ng pinaslang na Catba­logan City, Samar Mayor Reynaldo Uy na makakamit nito ang hustisya sa mada­ling panahon.

Personal na bumisita si Pangulong Aquino kahapon sa burol ni Mayor Uy sa Catbalogan City, Samar kung saan ay siniguro nito sa naulila ng alkalde na makakamit nito ang hustisya. Kasamahan sa Liberal Party ni Pangulong Aquino si Mayor Uy.

Tumagal ng 15 mi­nuto ang Pangulo saka ito nagtungo sa Cebu City upang makiramay naman sa namatay na si Vice-Gov. Gregorio Sanchez.

Samantala, nagpa­labas na ang Criminal In­vestigation and Detection Group (CIDG) ng composite sketch ng 2 sa 3 suspect sa pagpaslang sa alkalde.

Sinabi ni CIDG director Chief Supt. Sa­muel Pagdilao Jr. na na­buo ang artist sketch batay sa pagsasala­ra­wan ng mga saksi na nakakita sa krimen.

Nauna rito, nagtakda ang mga awtoridad ng P300,000 bilang pabuya para sa sinumang taong ma­ka­pagtuturo sa mga suspek, habang P1 milyon naman sa ikaka­aresto ng mga ito.

Show comments