^

Bansa

Kasong kriminal vs Merci ikinakasa na

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ikinakasa na ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang kasong kriminal laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez dahil sa naging mabagal umanong pagkilos nito sa kontrobersiyal na fertilizer fund scam.

Ang KMP ang isa sa pangunahing grupo na kasama sa ikalawang impeachment complaint laban kay Gutierrez na naunsiyami dahil sa pagbibitiw nito sa puwesto.

Ang National Union of Peoples Lawyers (NUPL) ang tatayong co-counsel para sa KMP sa criminal case laban sa outgoing Ombudsman.

Ayon kay Atty. Edre Olalia, lider ng NUPL, maaaring maihain na nila sa Biyernes o sa Lunes ang kaso kay Gutierrez na paglabag sa anti-graft law.

Ipinaliwanag ni Olalia na nilabag ni Gutierrez ang probisyon ng anti-graft law na nag-aatas ng mabilis na pag-aksiyon sa mga kaso dahil inabot ng humigit kumulang sa 6 taon bago nagdesisyon ang Ombudsman sa naturang scam.

Sabi pa ni Olalia na sa Department of Justice (DOJ) nila ihahain ang kaso dahil matagal pa bago makapagtalaga ang pamahalaan ng bagong Ombudsman at ayaw nilang mag-aksaya ng panahon para mabusisi ang asunto ni Gutierrez.

ANG NATIONAL UNION OF PEOPLES LAWYERS

AYON

BIYERNES

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDRE OLALIA

IKINAKASA

IPINALIWANAG

KILUSANG MAGBUBUKID

OLALIA

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with