De Lima: 'Hindi ako kabit ni Mancao'

“Demolition job!”

MANILA, Philippines –  Ito ang galit na pahayag ni Justice Secretay Leila de Lima sa aku­sasyon ng isang babae na “kabit” umano siya ni dating P/Sr. Superintendent Cezar Mancao.

Sinabi ni de Lima na posibleng mayroong taong nasa likod ng paninira sa kanya kaya’t lumutang ang isang Teresa Irene Abas at naghain ng reklamo kay Mancao na pangunahing testigo nila sa Dacer-Corbito double murder case.

Si Abas na isang bun­tis ay nagsampa ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act laban kay Mancao na umano’y ama ng kanyang pinagbubuntis.

Sa reklamo ni Abas, sinabi nitong ayaw nang makipagkita sa kanya ni Mancao para panagutan ang ginawa sa kanya dahil may kinakasama na umano itong ibang babae.

Noong una ay ayaw sabihin ni Abas kung sino ang “apple of the eye” ni Mancao at sinabing ma­taas na opisyal ng pamahalaan pero sa huli ay inamin din nito na si de Lima umano ang bagong babae ni Mancao.

Si Mancao ay nasa custody ngayon ng  DoJ’s Witness Protection Program bilang saksi laban kay Sen. Panfilo   Lacson kaugnay ng Dacer-Cobito.

Sinabi ni Abas na para patunayan na totoo ang love affair nina de Lima at Mancao ay pa­yag siyang sumailalim sa DNA tests makaraang makapanganak.

Sinabi ni Abas na nagkaroon sila ng relasyon ni Mancao noong Nobyembre 2009 sa Davao City nang hingin nito ang kanyang tulong para sumabak sa politika bilang representative ng Ist District ng Compostela Valley noong May 2010 elections.

“Ito lang masasabi ko sa kanila, huwag nila akong susubukan. Wag nila akong susubukan kasi ginagawa ko lang ang tra­baho ko. This is just a thankless job na andami mong sacrifices and then with all of these challenges babatuhin ka ng ganyan ka-foul. It’s rubbish!” galit na pahayag ni de Lima.

Show comments