^

Bansa

Pinas 'di magso-sorry sa Taiwan

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines –  Iginiit kahapon ng Ma­­lacañang na hindi ito hihingi ng paumanhin sa Taiwan government kaugnay sa pagpapadeport sa 14 Taiwanese sa China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin La­cierda sa media briefing, hindi kailangang mag-apologize ang Pilipinas kaugnay ng pangyayari dahil iginagalang natin bilang bansa ang One-China policy. 

Noong Disyembre ay 14 Taiwanese at 10 Chinese ang naaresto dahil sa scam o panloloko sa mga mainlanders na nagkakahalaga ng $20 milyon.

Ipinadeport ng Pilipinas ang lahat ng ito sa China sa kabila ng apela ng Taipeh na pabalikin na lamang sa Taiwan ang 14 Taiwanese para harapin ang kanilang kaso.

Aniya, hindi papayagan ng gobyerno na magtago sa Pilipinas ang mga dayuhang may kinakaharap na mga kaso sa kanilang bansa.

“The crime was committed in China. It is in our best interest to deport them to China,” paliwanag ni Sec. Lacierda.

Dahil dito, nagprotesta ang Taiwan at pinauwi na nito ang kanilang kinatawan sa Pilipinas na si Donald Dee at nagpatupad ng mahigpit na proseso para sa job applications ng mga Pinoy sa Taiwan.

Nanga­ngamba naman ang Manila Econo­mic Cultural Office (MECO) chief na si Ama­deo Perez Jr. na posibleng mapauwi ang may 45,000 OFWs sa Taiwan bilang ganti nito sa ginawang deportation sa 14 Taiwanese sa China.

vuukle comment

ANIYA

CHINA

CULTURAL OFFICE

DAHIL

DONALD DEE

MANILA ECONO

NOONG DISYEMBRE

PEREZ JR.

PILIPINAS

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with