^

Bansa

3 OFW patay sa sunog sa Dubai

- Nina Ellen Fernando at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Tatlong Pinoy ang nasawi, habang tatlo pa ang nasugatan sa isang sunog na naganap sa kanilang tinutuluyang apartment sa Satwa, Dubai sa United Arab Emirates nitong Sabado.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagkasawi nina Krisleen Francisco, 32, saleslady; Ariel Soberano, 30, waiter at Renalyn Luna, waitress.

Ayon kay Philippine Consul General Benito Valeriano, natutulog uma­no ang mga biktima nang maganap ang sunog at nang magising ang mga ito ay wala na silang madaanan palabas. Magkakasama umano sa iisang kuwarto ang tatlong nasawi.

Ang tatlong kasamahan ng mga ito ay nakaligtas naman sa sunog sa pamamagitan nang pagtalon sa bintana.

Dalawa sa mga nasugatan ay nagtamo ng minor injuries, habang ang ikatlong survivor na kinila­lang si Reynald Luna, 32, waiter, ay nagtamo naman ng second-degree burns sa mukha, likod, braso at paa, at kasalukuyang naka-confine sa Surgical Intensive Care Unit sa Al Rashid Hospital. Siya ay nakitulog lamang sa nasunog na bahay ng pinsang si Renalyn.

Hindi naman kumalat ang apoy sa mga kuwarto na nasa ikalawang palapag ng gusali.

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) ng DFA at sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa agarang pagpapauwi sa mga bangkay ng mga biktima, gayundin sa pagkakaloob ng kaukulang tulong sa mga ito.

vuukle comment

AL RASHID HOSPITAL

ARIEL SOBERANO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KRISLEEN FRANCISCO

MIGRANT WORKERS AFFAIRS

OFFICE OF THE UNDERSECRETARY

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PHILIPPINE CONSUL GENERAL BENITO VALERIANO

PHILIPPINE CONSULATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with