^

Bansa

Accountants naglalayasan na sa Pinas

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nag-aalisan na umano ang mga accountants sa Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa kaya nagkakaroon na ng  shortage.

Ayon kay Senator Manny Villar, noong unang quarter ng 2005, nasa 113,300 ang lisensiyadong accountants sa Pilipinas, pero sa kasalukuyan nasa 70,000 na lamang umano ang mga ito.

Nakasaad sa Republic Act 9298 o Philippine Accountancy Act of 2004 na kinikilala ng gobyerno ang kahalagahan ng mga accountants at katuwang ang mga ito sa tinatawag na “nation building”.

Sinabi pa ni Villar na ayon sa Generally Accepted Accounting Principles (GAAP) ng Amerika, ang mga Filipino accountants ay nahahanay sa mga “the best” sa buong mundo.

Ang mga paboritong destinasyon ng mga accountants na umaalis sa bansa ay Australia, US at Europe.

Sinabi pa ni Villar na kumpara sa natatanggap na suweldo ng mga accountants dito sa bansa, mas malaki ang natatanggap nilang sahod sa labas ng bansa.

Kaunti rin lang umano ang mga estudyante na ku­mukuha ng kursong accounting kaya lalong nababawasan ang mga certified accountants sa Pilipinas.

Inihain na ni Villar ang Senate Resolution No.224 na sisilip sa naturang problema.

Naniniwala si Villar na dapat muling tingnan ng mga mambabatas ang Philippine Accountancy Act upag masolusyunan ang paglayas ng mga accountants sa Pilipinas.

vuukle comment

ACCOUNTANTS

AMERIKA

GENERALLY ACCEPTED ACCOUNTING PRINCIPLES

PHILIPPINE ACCOUNTANCY ACT

PILIPINAS

REPUBLIC ACT

SENATE RESOLUTION NO

SENATOR MANNY VILLAR

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with