Pagharang ni Robredo sa PNP revamp, nasa batas

MANILA, Philippines - Nasa batas umano ang ginawang pagpapalabas ng memorandum ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo kaugnay sa pagharang nito sa balasahan sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, walang nilabag na batas si Robredo dahil ito naman ang chairman ng National Police Commission.

Pero sinabi rin ni Lacierda na kakausapin ng Malacanang si Robredo tungkol dito.

Sa memo ni Robrero, sinabihan umano nito si PNP Director General Jesus Versoza na magreretiro na sa puwesto na walang mangyayaring reshuffle sa PNP nang wala niyang pahintulot.

Sa Setyembre 14 inaasahang papangalanan ni Pangulong Noynoy kung sino ang ipapalit niya kay Versoza.

Show comments