SB 'manok' ng LP sa Speakership

MANILA, Philippines - Pormal nang inihayag kahapon ng Liberal Party na si Quezon CIty Mayor Feliciano “Sonny” Bel­monte na nanalong congressman ng Quezon City ang kanilang “manok” at susuportahan sa labanan ng speakership sa House of Representatives sa pagpasok ng 15th Congress.

Inihayag kahapon ni vice presidential bet at LP President senator Manuel “Mar” Roxas II na wala silang ibang susupor­tahan sa spea­kership kundi si Bel­monte lamang.

Ayon kay Roxas, ang pagpili kay Belmonte ay napagkasunduan sa gi­nawang party caucus sa LP headquarters sa Que­zon City.

“Unanimous” umano ang  endorsement kay Bel­monte mula sa ka­buuang 30-party members na dumalo sa party caucus.

“Siya ang aming su­suportahan, siya ang aming ikakampanya at nakakasiguro ako na siya ang lalabas na Speaker,” sabi ni Roxas.

Inamin ni Roxas na nagka-interes ding tu­makbong Speaker si Quezon Cong. Erin Ta­ñada pero kaagad nagpa­ubaya kay Belmonte, dahil sa  hangaring mag­karoon ng party unity.

Naniniwala si  Roxas na ilalampaso ni Bel­monte si incoming Pam­panga 2nd district Congresswoman at outgoing President Gloria Maca­pagal-Arroyo  sa labanan ng spea­kership. 

Show comments