^

Bansa

Bigatin sa pulitika inindorso si Joey III

-

MANILA, Philippines - Malugod na pinasala­matan ni Pwersa ng Masang Pilipino senatorial candidate Joey de Venecia III ang da­lawang kilalang politiko sa Southern Luzon matapos na iendorso ng mga ito ang kaniyang kandidatura.

Noong nakaraang linggo ay personal na inindorso ni Albay Gov. Joey Sal­­ceda sa isang himpilan ng radyo si de Venecia sa kaniyang may 700,000 botante sa Albay dahil sa mga ipinakitang katapangan at katatagan ni de Venecia gayundin ang abilidad na talakayin ang mga isyung kinakaharap ng bansa na siyang kinakailangang kalidad ng isang miembro ng Senado.

Nagpahayag din ng pasasalamat si de Venecia kay Lakas-Kampi senatorial candidate Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., matapos nitong ihayag ang pagsuporta sa kanya.

Ayon kay De Venecia, ang hindi inaasahang suporta nina Revilla at Salceda ay magsusulong sa mga katulad niya na batang politiko ng bagong henerasyon na magiging katuwang ng susunod na administrasyon sa mabilis na pag-angat ng bansa.

vuukle comment

ALBAY

ALBAY GOV

AYON

DE VENECIA

JOEY SAL

MASANG PILIPINO

REVILLA

SENATOR RAMON

SOUTHERN LUZON

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with