^

Bansa

Mag-asawang solon kinasuhan

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Nagsampa kahapon ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman si dating Supreme Court (SC) Associate Justice at ngayon ay tumatakbo ring Mayor ng Taguig na si Dante Tinga laban kay Senador Alan Peter Ca­yetano at sa asawa nitong si 2nd District Rep. Ma. Laarni Cayetano.

Sinabi ni Tinga na ang mag-asawang Cayetano ay sinampahan niya ng kasong libel at perjury dahil sa pag-uudyok sa isang Jovito Olazo na sampahan siya ng kasong graft sa Ombudsman dahil sa uma­ no’y land grabbing na nag­lalayon lamang na sirain ang kanyang reputasyon dahil si Rep. Cayetano ay tumatakbo ding Alkalde ng Taguig kung saan kalaban nito ang una.

Inakusahan din nito sina Cayetano at Olazo na may sabwatan dahil sa pagtata­ wag sa media sa pamama­gitan ng isang press conference noong Marso 24 sa isang restaurant sa Maynila upang magkaroon ng publicity tungkol sa pagsa­sampa sa kanya ng kaso.

Iginiit ni Tinga na wa­ lang kakayahan si Olazo na makakuha ng legal assistance at press coverage para sa pagsa­sampa sa kanya ng kasong graft at tanging ang mag-asawang Cayetano lamang umano ang mayroong motibo na sulsulan si Olazo.

Magsasampa din uma­no si Tinga ng disbarment case laban kay Sen. Caye­tano dahil sa gross mis­con­duct at paglabag sa lawyers oath.

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE

CAYETANO

DANTE TINGA

DISTRICT REP

JOVITO OLAZO

LAARNI CAYETANO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OLAZO

SENADOR ALAN PETER CA

SHY

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with