Troop movement itinanggi ng AFP
MANILA, Philippines - Walang katotohanan ang napaulat na di-awtorisadong ‘troop movement’ ng Armed Forces of the Philippines sa mga kritikal na lugar sa Mindanao kaugnay ng paghahanda umano sa scenario ng ‘failure of elections ‘ para sa May 10 national polls sa bansa.
Ayon kay AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino, lahat ng galaw ng tropa sa lugar na kaniyang nasasakupan ay merong koordinasyon sa Commission on Elections.
Aniya, walang di kanaisnais na ‘troop movement sa hurisdiksyon ng AFP-Westimincom na sumasaklaw sa Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, Zamboanga Peninsula at Lanao Provinces. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending