^

Bansa

Nakawan ng tarpaulin binira

-

MANILA, Philippines - Tinuligsa kahapon ni Parañaque Rep. Edu­ardo “EDZA” Zialcita ang pang­ gugulang uma­no ng mga kalaban sa politika matapos na iligal na bak­lasin o nakawin ang kan­yang mga tarpaulin sa lungsod.

Sinabi ni Zialcita na hindi pa man nagsi­si­mula ang pormal na kam­panya para sa lokal na pama­halaan ay ku­milos na ang ilang per­sonalidad sa Pa­rañaque City para tiyakin na hindi mapapan­sin ang ibang kandidato na ta­takbo sa Mayo.

Inireklamo ni Zialcita ang biglang pagkawala ng kanyang mga tarpaulin habang ganito rin umano ang reklamo ng isa pang tumatakbo sa pagka-alkalde sa lung­sod na na­walan rin ng kan­yang mga poster na pagbati.

Sa impormasyong na­karating sa kampo ni Zial­cita, isang barangay chairman na tumangging mag­pabanggit ng pa­nga­­lan sa pangambang ma­pag-ini­tan ang nakakita na isang “red-plate” na sasak­yan ang kumuha ng mga naka-display na mater­yales at pinagsisira.

Dismayado si Zialcita sa pangyayari na nagpa­pakita umano ng kahan­daan ng ibang grupo na gawin ang lahat masi­guro lamang ang kani­lang pag­kapanalo sa darating na halalan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DISMAYADO

EDU

INIREKLAMO

SHY

SINABI

TINULIGSA

ZIAL

ZIALCITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with