^

Bansa

Draft ruling ng Comelec kumalat

-

MANILA, Philippines - Dumulog kahapon  sa Commission on Election  si Atty. Sixto Brillantes upang ireklamo ang pagkalat ng isang draft decision na umano’y nagdidiskuwalipika kay Congressman Abraham Mitra bilang kandidato ng Liberal Party sa pagka gobernador ng Palawan.

Sinabi ni Brillantes sa kanyang petisyon na noong Sabado pa ay may ipinakakalat nang kopya ng draft decision ang kampo ni Pepito Alvarez na kalaban naman ni Mitra sa pagka-gobernador.

Gayunman, kapuna-punang walang lagda ng tatlong komisyuner ng Comelec first division ang nasabing draft decision.

Pinapakalat pa umano ng kampo ni Alvarez ang opisyal na promulgation ng draft resolution ng First division na takdang ilabas sa Pebrero 10.

Nababahala naman si Mitra  sa maaaring maging epekto ng nasabing pangyayari sa opisyal na re­solusyon sa kaso. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ALVAREZ

BRILLANTES

COMELEC

CONGRESSMAN ABRAHAM MITRA

DUMULOG

GAYUNMAN

GEMMA AMARGO-GARCIA

LIBERAL PARTY

PEPITO ALVAREZ

SIXTO BRILLANTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with