^

Bansa

Gibo namaalam sa DND

-

MANILA, Philippines - Labing apat na araw bago ang pormal na pagsusumite ng Certificate of Candidacy sa Commission on Elections, tuluyan nang nag­paalam kahapon sa defense at military establishment matapos na bu­maba na sa puwesto si dating Defense Secretary Gilberto “Gibo’ Teodoro .

Nagbitiw sa puwesto si Teodoro upang ipursige ang kaniyang pagtakbong pangulo bilang standard bearer ng ruling Lakas-Kampi-CMD kaugnay ng gaganaping 2010 national elections .

Noong nakaraang Bi­yernes ay inihayag ni Teodoro na ang aktor-tv host na si Edu Manzano ang kaniyang running mate habang binubuo na rin ang Magic 12 o ang bu­buo sa 12 senato­riables sa kanilang par­tido na nakatakdang ihayag sa susunod na mga araw.

Inaasahan namang tututukan na ni Teodoro ang pangangampanya sa pagpasok ng election period sa Enero ng susunod na taon kung saan uuna­hin na nito ang pagsu­sumite ng kaniyang COC sa Comelec .

Sa turnover ceremony sa Camp Aguinaldo, isi­nalin ni Gibo ang puwesto kay National Security Adviser Norberto Gonzales. (Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP AGUINALDO

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC

DEFENSE SECRETARY GILBERTO

EDU MANZANO

GIBO

JOY CANTOS

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

SHY

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with