^

Bansa

Estudyante bilib kay Gibo

-

MANILA, Philippines – Tumanggap ng 10 minutong standing ovation si Defense Secretary Gilbert Teodoro mula sa mga estudyante sa isang leadership forum na inorganisa ng Confederation of Student Governments of the Philippines bilang paghanga sa kahusayan niya sa pagsagot sa mga tanong sa kanya ng mga dumalong estudyante.

Sinagot ni Teodoro ang mga tanong ng mga mag-aaral na umabot ng dalawang oras buhat sa ibat-ibang mga isyu mula sa paano magagapi ang kahirapan, pag­ tataas ng antas ng edukasyon, pagsasa-ayos ng mga serbisyong medikal, pagsugpo sa korupsyon, pagrebisa sa VFA, problema sa Spratlys at marami pang iba.

Ayon kay Teodoro, ang dapat maging pangunahing layunin ng bansa ay pataasin ang pagkolekta ng buwis sa pa­mamagitan ng pagpapalawak sa opurtunidad sa pamumuhunan at pagnenegosyo. Magagawa lamang anya ito kung magkakaroon ng kapayapaan at kaayusan sa bansa. Idinagdag pa niya na, mapapalawak lamang ang opur­tunidad sa pa­mu­muhunan at pagnene­gosyo kung mag­kakaroon ng pagbabago sa konsti­tusyon.

Batay sa datus na na­kalap bago at matapos ang pagtitipon, tumaas ang acceptance rating ni Teodoro sa mga taong nag­sidalo. Mula 20% bago ang pagti­tipon, umakyat ito sa 85% matapos itong magsalita. (Butch Quejada)


AYON

BATAY

BUTCH QUEJADA

CONFEDERATION OF STUDENT GOVERNMENTS OF THE PHILIPPINES

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEODORO

IDINAGDAG

MAGAGAWA

SHY

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with