Seguridad sa SONA ikinakasa ng PNP

MANILA, Philippines – Ikinakasa na ng Philippine National Police ang implementasyon ng seguridad na ipatutupad para sa State of the Nation Address ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pagbubukas ng ikatlong Regular Session ng 14th Congress sa Hulyo 27.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Leonardo Espina, layunin ng hakbang na ito na matiyak na magiging mapayapa at matagumpay ang SONA ng Pangulong Arroyo.

Bunga nito ay binuo naman ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa ang Task Force Kapayapaan na pamumunuan ni National Capital Region Police Office­ Director Chief Supt. Roberto Rosales. (Joy Cantos)


Show comments