^

Bansa

Solon tinawag na 'Junket Queen'

-

MANILA, Philippines – Dahil sa madalas na pagbiyahe sa ibang bansa ay nabansagang “Junket Queen” ng kanyang mga kasama sa House of Representatives si Congresswoman Ma. Laarni “Lani” Cayetano ng Unang Dis­trito ng Taguig-Pateros.

Ayon sa isang source, ginagamit umano ni Congw. Cayetano ang kanyang pribilehiyo bilang mambabatas upang pu­munta sa iba’t ibang bansa, kaya naman siya ay tinagurian bilang “one of the most travelled House members in the 14th Congress.”

Nitong 14th Congress ay nag-junket ang mam­babatas sa South Africa, Russia, New York, Ams­terdam, Egypt, Hongkong at Macau. Kamakailan ay nag-luxury European cruise din ang lady solon.

Si Cayetano ay miyem­bro ng minorya sa mga makapangyarihang komite tulad ng Appropriations, Health, Labor and Employment ngunit bihira siyang lumahok sa mga debate sa mga committee hearings.

Noong Hunyo lamang, nagpunta si Congw. Caye­tano sa Saigon, Vietnam sa kabila na may sesyon ang Kongreso. Kasama niya sa abroad ang kan­yang asawang si Sen. Alan Peter Cayetano. Ang ka­nilang mga larawan ay makikita sa Facebook, isang website sa Internet.

Sinabi ng kanyang mga kapwa kongresita na dahil sa kanyang pagpunta sa ibang bansa, tila napa­bayaan na umano ni Congw. Ca­ye­tano ang kanyang tra­baho bilang mambaba­batas at kina­tawan ng mga mamama­yan ng Taguig at Pateros.

Anila, dapat lumahok si Cayetano sa mga debate sa Kamara at pagsilbihan ang kanyang mga consti­tuent. (Butch Quejada)


vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

BUTCH QUEJADA

CAYETANO

CONGRESSWOMAN MA

CONGW

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JUNKET QUEEN

LABOR AND EMPLOYMENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with