Erap abswelto sa 'Jose Velarde'
Erap abswelto sa 'Jose Velarde'
- Ni Ludy Bermudo () - April 17, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tuluyan ng naab­suwelto si dating pangu­long Joseph Estrada sa kasong illegal use of alias matapos na katigan ng Supreme Court ang unang desisyon ng Sandigan­bayan na nagdedeklara na walang nilabag ang una sa Commonwealth Act 142 na nagreregulate sa paggamit ng alyas.

Ipinaliwanag ng SC na hindi naging lantad sa pub­liko ang ginawa ni Estrada na paggamit ng alyas tulad ng Jose Velarde sa kan­yang bank account at ito ay hindi na naulit.

“Sa ilalim ng batas, hindi pinapayagan na gu­mamit ng alyas ang isang indibidwal kung ito ay lan­tad sa publiko at makailang ulit na ginagawa. Sa kaso ni Estrada ay palihim nitong ginamit ang alyas na Jose Velarde bagama’t nalalaman ito ng ilang opis­yal at kawani ng bangko,” sabi sa desisyon.

Hindi rin maisasampa ang kaso laban kay Es­trada bagama’t labag sa panuntunan ng Anti-Money Laundering Act ang pag­gamit ng anonymous account dahil hindi pa ito naisasabatas ng pumutok ang Jose Velarde account sa Equitable PCI bank.

Una nang pinakinggan ng Anti-Graft Court Special Division ang demurrer to evidence na isinumite ng kampo ni Estrada noong 2004 na humihiling na ibasura ang kaso sa kabila ng pag-amin ni Estrada na binuksan nito ang Velarde account upang magsilbing guarantor sa P500-million loan ni Jaime Dichaves kay William Gatchalian ng Wel­ lex Group of Companies.

Ikinatuwiran ni Estrada na nilagdaan niya ang nasabing alyas dahil na rin sa kasunduan sa Equitable PCI Bank kung saan ang pera umano ay mula kay Dichaves, na siyang tunay na may-ari ng Velarde account­. 

ANTI-GRAFT COURT SPECIAL DIVISION ANTI-MONEY LAUNDERING ACT COMMONWEALTH ACT GROUP OF COMPANIES JAIME DICHAVES JOSE VELARDE JOSEPH ESTRADA SHY SUPREME COURT VELARDE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with