^

Bansa

Clemency sa utak ng Cochise-Beebom murder case idinepensa ng Palasyo

-

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol kaha­pon ng Malacañang ang pagka­kaloob ng clemency ni Pa­ngulong Arroyo sa mastermind ng Co­chise-Beebom double murder case.

Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, ministerial lamang ang pagka­kaloob ng clemency kay Rodolfo Manalili na na-convict sa pagpa­tay kina Ernesto “Co­chise” Bernabe II at Ana Lourder “Beebom” Casta­nos noong April 1990.

“Kailangan we also have to remember na ang ating penal system sa Pilipinas at buong mundo tinatawag na corrective ang measure. Meaning ang nagkakasala after serving sentence in good behaviour binibigyan ng chance to redeem themselves at ma­ka­pagba­gong buhay. Alam nating mahirap tanggapin yan but we should also understand yan ang trend ng penal system hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo,” paliwa­nag ni Sec. Remonde.

Aniya, nauunawaan din ng Palasyo ang nara­ram­daman ng pamilya ng bik­ti­ ma katulad din ng pag-una­wa sa pamilya ng iba pang krimen.

Magugunita na iniha­yag kamakailan ni Executive Secretary Eduardo Ermita na binigyan ng commutation of sentence noong Marso 26 si Ma­nalili. (Rudy Andal)

vuukle comment

ALAM

ANA LOURDER

ANIYA

BEEBOM

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

PILIPINAS

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

RODOLFO MANALILI

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with