Miriam at Villar nanguna sa trabaho sa Senado

MANILA, Philippines - Pinakamaraming pa­nu­kalang batas at reso­lusyon na naihain nga­yong 14th Congress sa Se­nado sina Senador Miriam Defensor Santia­go at dating Senate President Manny Villar, Jr.

Ito ay batay sa pinaka­huling listahan ng Bill and Index division ng kapulu­ngan nitong Enero 29 kung saan umabot sa 4,468 ang lahat ng panu­kalang batas at resolus­yon na inihain ng lahat ng 23 senador.

Sa listahan, nakapag­tala si Santiago ng 895 panukalang batas at re­solusyon, 547 naman kay Villar na abala rin sa pag­tulong ngayon sa mga nais magnegosyo dahil sa krisis sa ekonomya.

Sumunod kay Villar si Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na may 534 resolusyon at panu­kalang batas. Sinun­dan siya ni Sen. Legarda (286) at pang-5 si Sen. Francis “Chiz” Escudero; Joker Arroyo (pito); Alan-Peter Caye­tano (20); Benig­no “Noy­noy” Aquino III (36); Senate President Juan Ponce Enrile (67).

Una rito, pinag-initan ni Senador Jamby Madrigal sina Villar at magka­patid na Alan at Pia Caye­tano dahil sa pag-alis sa ple­naryo matapos ang roll call.

Nagtataka si Pia kung bakit pinag-iinitan sila ni Madrigal kapag buma­balik sa kanilang opisina para magpahinga kapag may mahabang pagdinig na ginawa o may kina­kausap na bisita.

Sa ilalim ng patakaran ng Senado, kailangan ang hindi bababa sa 13 senador na present sa plenaryo upang magkaroon ng quorum.

Sinabi ng isang taga­masid na kung dadalo la­mang ang 15 kasapi ng ma­yorya ay hindi na ka­kaila­nganin ang presensya ng anim na kasapi ng mi­norya na kinabibilangan nina Villar at magkapatid na Cayetano na sumusu­porta naman kay minority leader Aquilino Pimentel. (Malou Escudero)

Show comments