^

Bansa

Liver cancer, no. 3 sa mga Pinoy

- Ni Malou Escudero -

Dismayado si Sen. Pia Ca­ye­tano sa kawa­lan ng suporta ng gobyerno sa pagtatayo ng kauna-unahang public liver center sa Pilipinas na maaaring maging daan upang masalba ang buhay ng milyon-mi­l­yong Pinoy na may iba’t ibang uri ng sakit sa atay.

Base na rin sa statistics mula sa Philippine Cancer Society, ang liver cancer ang ika-tatlo sa most common form ng cancer sa mga kalalaki­han at ika-anim naman sa mga kababaihan.

Isa rin umano sa bawat 10 Pinoy ay active carrier ng Hepa B virus na maaaring ma­kahawa sa iba.

Ayon kay Cayeta­no, nakalulungkot na hindi pa rin nasisimu­lan  ang proyekto kahit napaka­raming Pinoy na ang may sakit na Hepatitis B, cirrhosis at liver cancer.

Simula pa noong 2005, nagsasagawa na ang liver research na pinamunuan ni Dr. Ernesto Dominggo, at Gastroenterology Section ng Philippine General Hospital (PGH) ng iba’t ibang programa upang maitayo ang liver clinic at laboratory facility na tutulong sana sa mahihirap na Pinoy na may sakit sa atay.

Ang nasabing pasi­li­dad ang inaasahang magiging core ng isang fully-equipped national liver center sa PGH compound sa Maynila, pero dahil sa kawalan ng pondo, hindi ito naisasaka­tuparan.

Isa pa umano sa pumipigil sa proyekto ay ang desisyon ng maraming liver surgeons sa bansa na umalis ng Pilipinas upang magtrabaho abroad.

Ayon pa kay Cayetano, ang kawalan din ng pasilidad ang isa sa mga dahilan kaya umaalis ang magagaling na doctor na nag-aral pa sa ibang bansa.

Matatandaan na mismong ama ng senadora na si dating Sen. Rene Cayetano ay nagkaroon ng chronic Hepatitis B na naging sanhi ng kan­yang intra-abdominal cancer at namatay noong 2003. 

AYON

DR. ERNESTO DOMINGGO

GASTROENTEROLOGY SECTION

HEPA B

HEPATITIS B

ISA

LIVER

PHILIPPINE CANCER SOCIETY

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with