Pinatawan kahapon ng Makati Regional Trial Court ng mula anim na buwan hanggang dala wang taon na pagkakabilanggo si publisher at The Daily Tri bune editor-in-chief Niñez Cacho-Olivarez ma tapos na mapatunayan ng korte na “guilty” ito sa isa sa 48 libel cases na isinampa laban sa kanya ng law firm na “The Firm.”
Bukod pa rito, inaatasan din ni Makati RTC, Branch 59 presiding judge Winlove Dumayas si Olivarez na magbayad ng P5 milyong moral da mages at P33,732 naman para sa civil damages sa Carpio Villaraza o ngayo’y Villaraza, Cruz, Marcelo and Angcangco Law firm.
Nag-ugat ang kaso nang ilathala ni Olivarez sa kanyang artikulo noong June 23, 2003 sa The Daily Tribune ang aniya’y maanomalyang transaksiyon na kinasasangkutan ng nasabing law firm kaugnay sa nabalam na operasyon ng NAIA Terminal 3.
Sa panayam naman kay Olivarez, sinabi nito na noon pa man ay inaasahan na niyang papatawan siya ng korte ng “guilty.”
Nakatakdang iapela ni Olivarez sa Supreme Court ang nasabing desisyon ng korte dahil hindi dapat umano patawan ng pagkabilanggo ang anumang libel case. (Rose Tesoro)