Secret marshals ikakalat sa eskuwelahan

Upang maiwasang mabiktima ng mga ma­sasamang elemento tulad ng robbery/hold­up at kidnap-for-ransom gang, magpapa­kalat ang Philippine National Police ng mga secret marshals sa bi­sinidad ng mga paara­lan kaugnay ng pagbu­bukas ng klase sa Hunyo 10.

Ang klase ng mga estudyante ay nagsi­mula nang magbukas kahapon habang ina­asahang mas marami pang mga eskuwela­han ang magbubukas sa darating na Hunyo 10 kaya  sa nasabing petsa ipakakalat ang mga secret marshals .

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome na ang hakbang ay malaki ang maitutulong upang masupil ang pambibik­tima ng mga elemen­tong kriminal laban sa mga estudyante.

Inihayag ni Barto­lome na ang mga ‘secret marshals’ ay mag­sisilbing mata ng PNP partikular na sa mga pri­badong paaralan kabi­ lang ang mga pi­napa­sukan ng mga anak ng mayayamang negos­yanteng Filipino-Chinese na target bik­tima­hin ng masasa­mang loob. (Joy Cantos)

Show comments