Bodega ng bigas ni-raid ng PASG
Nagsagawa ng spot inspection si Pangulong Arroyo sa isang warehouse ng bigas na sinalakay kahapon ng Presidential Anti-Smuggling Group sa Paco, Maynila bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa rice hoarding.
Nagtungo ang Pangulo sa naturang bodega at personal niyang ininspeksyon ang libu-libong sako ng lokal at imported na bigas.
Kasama ng PASG sa raid ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation at National Food Authority alinsunod sa direktiba ni PASG Head Undersecretary Antonio Villar, Jr. bunsod sa kautusan ni Pangulong Arroyo na sugpuin ang pagpupuslit at pag-iimbak ng bigas.
Sa naturang pagsalakay na pinamunuan ni PASG Assistant Secretary Danilo Mangila, natuklasan ang 636 sako ng imported na bigas tulad ng Jasmine at US Genuine sa Isabela’s Greenfield Corp. sa kanto ng Perdigon at Figueroa St., Paco.
Sinabi ni NFA Director Halil Al Rashid Lucman na walang permisong bumili ng bigas sa ibang bansa ang Isabela’s
- Latest
- Trending