^

Bansa

Jamby sasabit sa ‘Copy for FG’ docu

-

Nagbabala ang isang doctor of laws na maaaring managot si Sen. Jamby Madrigal sa batas sa paglalabas nito ng pinekeng dokumento mula sa National Economic Development Authority (NEDA) bilang katibayan sa posibleng pagkakasangkot ni First Gentleman Mike Arroyo sa ZTE controversy.

Sinabi ni Dr. Arturo de Castro, isang bar reviewer sa UP Law Center, na nagkaroon ng willful bad faith si Madrigal nang ilabas nito ang pinekeng NEDA document na may nakalagay na “Copy for FG” at agad na nagtanong sa hearing sa Senado kung ang ibig sabihin ng FG ay First Goon o First Gentleman.

Anya, sa ilalim ng batas, ang sinumang may hawak ng pinekeng public document ang siyang ipapalagay na utak ng mismong pamemeke.

“Kaya’t hindi na iyon nasasaklaw ng privilege communication,” ayon kay de Castro.

Lumalabas na ang dokumento ay kopya para kay FGI o Florante G Igtiben ng  Public Investments Staff ng NEDA. Si Igtiben mismo ay nagsalita na sa media na siya si FGI at hindi si First Gentleman. 

Dahil ang naperhuwisyo ng ginawa ni Madrigal ay ang public records system, sinabi ni de Castro na sinuman sa publiko ay maaaring ihabla si Madrigal o sinumang sangkot sa pamemeke ng naturang dokumento mula sa NEDA.

“Walang partikular na complainant ang kailangan, di tulad kung ang pineke ay pribadong dokumento na kung saan kailangan ang personal na pinsala ng may-ari ng dokumento ay kailangang maipakita,” sabi ni de Castro.

Si de Castro ay 3rd placer sa 1970 bar exams, isang pre-bar reviewer sa UP at sa National Bar Review Consortium at nagtataglay ng masteral at  doctorate degrees sa batas mula sa University of Michigan sa Amerika.  

Isa rin siyang long-time professor ng Criminal Law, Remedial Law at Commercial Law sa UP. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

COMMERCIAL LAW

CRIMINAL LAW

DR. ARTURO

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with