^

Bansa

Willie napikon, gagawa ng sariling rating

-

Hindi naitago ng bete­ranong TV host na si Willie Revillame ang matinding pagkairita sa napalat­halang exclusive report ng Pilipino Star NGAYON na sumadsad ang rating ng kanyang TV program na Wowowee sa pagdiri­wang ng kanyang birthday noong Enero 26. 

Nalantad “on national television” ang pagka­pikon ni Revillame at taha­sang sinabing hindi niya mapapaniwalaan ang resulta ng naturang rating. Binigyang diin ni Revil­lame na upang patu­nayan ang kanyang sinabi, ga­gawa siya ng sariling rating.

Ayon sa kanya, hin­ding-hindi na siya mani­niwala sa anumang ratings na lumalabas nga­yon dahil para sa kanya, noong naka­lipas na Sabado, 80 porsiyentong ratings ang kanilang ipinagmama­laking noontime show na Wowowee.

Batay sa nakalap na impormasyon ng PSN mula sa “program performance” ng AGB-Nielsen mula sa tinatawag nilang “household ratings shares,” mahigit sa 10 porsiyento ang inilamang ng hindi matinag-tinag na Eat Bulaga ng GMA 7 kumpara sa nakuhang rate ng Wowowee ng ABS-CBN 2.

Ang masakit nito, kahit sabihing naging “star studed” ang birthday celebration ni Papie (tawag kay Revillame), mukhang hindi ito naging epektibo para tangkilikin pa ng husto ng mga manonood ang kanilang programa.

Ilan sa mga naging panauhing pandangal ni Willie ay sina Vice-President Noli de Castro at ang itinuturing na comedy king ng pelikulang Pilipino na si Dolphy.

Ang klasik dito, habang “nagngangawa” si Revillame, isang contestant na nagngangalang Jay-Ar Mendoza, mula Los Banos, Laguna at ang home partner nitong si Ma. Virgina Bacomo ng Gagalangin, Tondo ang nanalo ng P1.05 million mula sa Taktak Mo at Tatakbo portion ng Eat Bulaga.

vuukle comment

EAT BULAGA

JAY-AR MENDOZA

LOS BANOS

PILIPINO STAR

REVILLAME

SHY

WOWOWEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with