^

Bansa

P9.2M TESDA scam ‘demolition job!’

-

Suportado ng mga opisyal at empleyado ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang hepe nilang si Augusto ‘Buboy’ Syjuco kahit sabihing kabi-kabilang intriga ang ipinu­pukol ng ilang kritiko laban sa kanya.

Ang pahayag na ito ay ipinalabas ng may 4,000 miyembro ng TESDA-Association of Concerned Employees (ACE), kasa­bay ng mariing pagbatikos sa isang nagpapakilalang lider ng unyon na peke at hindi kailanman kinilala ng Department of Labor and Employement.

Bilang patunay na suportado nila ang liderato ni Syjuco, isang resolusyon at ‘manifesto of support’ ang ipinalabas ng TESDA-ACE sa pamumuno ng national president nito na si Sonia Lipino. Anila, ang programa ngayon ni Syjuco ay para sa kapakanan ng lahat, parti­kular na iyong mga nag-aaral sa TESDA. Hindi rin nila pinaniniwalaan ang inihaing P9.2 million na paglustay sa pondo ng TESDA para lamang sa pagpapalimbag sa 250,000 kolya ng libro na pinama­gatang “Salabat for the Soul.’

Kamakailan, kasong misrepresentation, unjust vexation at usurpation of authority ang isinampa nila sa Department of Justice (DOJ) laban kay Annie Geron. Si Geron ay sinibak sa TESDA kaya ipinala­lagay na paghihiganti ang motibo nito laban kay Syjuco kaya nagpapakalat ng maling balita para sa opisyal.

Nagpakilala rin itong pinuno ng Samahan ng Malaya at Nagkakaisang Kawani (SAMAKA) na isang pekeng unyon at hindi kailanman kinilala ng DOLE bilang employees union.

vuukle comment

ANNIE GERON

ASSOCIATION OF CONCERNED EMPLOYEES

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYEMENT

NAGKAKAISANG KAWANI

SI GERON

SONIA LIPINO

SYJUCO

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with