8 sanggol sabay-sabay ipinanganak sa evac center

Walong sanggol ang halos sabay-sabay na isinilang sa ilang evacuation center sa kasag­sagan ng pananalasa ng bagyong Mina sa lalawigan ng Albay.

Nabatid kay Dr. Luis Mendoza ng Albay Provincial Health Office, sa kasagsagan ng pagha­gupit ni Mina ay halos sabay-sabay na nag-labor ang buntis na mga ina ng naturang mga sang­gol.

Sa walong mga sang­gol na isinilang, apat dito ay mula sa bayan ng Polangui, tatlo mula sa Legazpi City at isa na­ man sa bayan ng Dara­ga; pawang sa lala­wigan ng Albay.

Iminungkahi naman ni Legazpi City Mayor Noel Rosal na panga­lanan ang mga sanggol kasunod ng pangalan ng bagyo, Mina kung babae at Mino naman kung lalaki.

Isa sa mga sanggol na lalaki ay ipinanganak sa Mariners Polytechnic Colleges sa Rawis na pina­ngalanang Mino na anak nina Delton at Rose Astor.

Samantala, sa bin­yag ng sanggol ay ni­nong si Mayor Rosal at imbitado rin sa okasyon si Albay Gov.Joey Sal­ceda. (Joy Cantos)

Show comments