^

Bansa

Libreng binyagan abot na sa probinsiya

-

Sinimulan nang pala­wa­kin sa mga lalawigan ang Binyagan sa Barangay sa ilalim ng Hulog ng Langit Foundation ng pilantro­pong si Mark “MJ” Jimenez nang pabinyagan ng libre ang 800 bata mula sa mahihirap na pamilya sa Angono, Rizal noong naka­raang linggo.

Idinaos ang buwena-manong libreng binyagan sa mga lalawigan sa San Clemente Church sa Ba­rangay Poblacion, Angono, Rizal sa ilalim ng pamu­muno ni Father Rodny Cruz na isinabay sa pag­diriwang ng ika-3 kaarawan ng anak ni MJ na si Mario Jr. 

Noong nakaraang Hun­yo, mahigit 6,000 bata mula sa mahihirap na lugar sa Tondo at Pandacan ang pinabinyagan ng foundation sa Manila Cathedral at San Agustin sa Intramuros, Maynila.

Tuwang-tuwa at labis ang pasasalamat ng mga pamilya na nabiyayaan ng Binyagan sa Barangay sa Angono, Rizal dahil ma­ging ang mga damit, sapatos at pagkain ay tinustusan. Layon ni MJ na magpabin­yag ng isang milyong bata mula sa mga mahihirap na pamilya sa iba’t-ibang panig ng bansa. (Butch Quejada)

vuukle comment

ANGONO

BINYAGAN

BUTCH QUEJADA

FATHER RODNY CRUZ

LANGIT FOUNDATION

MANILA CATHEDRAL

MARIO JR.

RIZAL

SAN AGUSTIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with