Mega Flood sa Camanava hirit ni Recom kay GMA
Hiniling kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri kay Pangulong Arroyo ang agarang pagtapos ng Mega Flood Control Project para sa mga nasasakupan ng CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela).
Ayon kay Echiverri, mas makabubuti para sa mga residente ng CAMANAVA, na mapabilis ang pagsasaayos ng proyekto, upang maibsan ang pagbabaha sa mga mabababang lugar, na lubhang nakakaapekto sa pamumuhay ng tao rito. Pinasalamatan din ng alkalde si Pangulong Arroyo sa patuloy na paghahandog nito ng mga proyekto para sa mga mamamayan ng lungsod.
Ito ay matapos pangunahan nina Echiverri at Pangulong Arroyo ang pamamahagi sa mga residente ng Caloocan, ng mga certificate to operate ng proyektong “Tindahan Natin” ng National Food Authority.
Kasama rito ang pagbibigay ng Pangulo ng mahigit sa 100 scholarship grant sa mga kabataan ng lungsod.
- Latest
- Trending