Eastern Samar may obispo na

Matapos na  maba­kan­te ng isang taon, nagtalaga na ang Santo Papa ng bagong obispo ng Borongan, Eastern Samar sa katauhan ni Father Crispin Barrete-Varquez.

Papalitan ni Varquez si Bishop Leonardo Medroso na inilipat sa Diocese ng Tagbilaran noong nakaraang taon.

Ang pagtatalaga kay Varquez ay inihayag ng Santo Papa sa  Vatican noong hapon ng Saba­do at nakarating naman ang ulat sa Maynila dakong 6:00 ng gabi kamakalawa sa pama­magitan ni Char­ge’ de’ affaires of the Apostolic Nunciature Monsignor Wojciech Zaluski. (Do­ris Franche)

Show comments