Kotse ng kidnapper ni Burgos natunton sa DENR

Natunton ng pulisya sa Department of Environment and Natural Resources ang sasakyang ginamit ng mga suspek sa pagkidnap sa aktibistang si Jonas Joseph Burgos, anak ng yumaong press freedom fighter na si Jose Burgos Jr..

Nabatid sa pulisya na ang sasakyang Isuzu utility vehicle na may plakang TAB-194 na nakarehistro kay Mauro Mudlong ay naunang inimpound ng DENR noong Hunyo 24, 2006 dahil ginagamit umano ito sa iligal na pagtotroso.

Show comments