^

Bansa

Armed groups sighted in T’boli town

- John Paul Jubelag -
Ibinulgar ni Team Unity senatorial candidate Luis “Chavit” Singson ang umano’y sabwatan sa pagitan ng Social Weather Station (SWS) at Genuine Opposition (GO) upang ipagkalat na magkakaroon ng dayaan upang bigyang katuwiran ang napipintong pagkapanalo ng TU sa May 14 elections.
Ayon kay Singson, ang naturang panunulsol sa ma­mamayan na mandaraya ang administrasyon sa May 14 ay isang “mother of statistical fabrication” na gu­magamit ng mapanlinlang na mga tanong sa ka­gustuhang makakuha ng kasagutang laban sa admi­nistrasyon. Ang tumitinding pagsuporta ng mga botante sa mga kandidato ng TU sabi ni Singson ay hindi mapapasinungalingang katibayan na hindi sa mamamayan nagbuhat ang hakang dayaan sa May 14 na inimbento ng SWS at GO.
Binanggit ni Singson na sa pinakahuling survey ng SWS, lumitaw na limang kandidato ng TU ang tiyak na panalo. (Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

BINANGGIT

CHAVIT

GENUINE OPPOSITION

IBINULGAR

MALOU ESCUDERO

SINGSON

SOCIAL WEATHER STATION

TEAM UNITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with