^

Bansa

‘Tol SOS - squatters

-
Libo-libong squatters sa Metro Manila na naging biktima ng demolisyon partikular sa Taguig, Manila at Quezon City ang lumapit kay Team Unity senatorial candidate ‘Tol Mike Defensor upang ireklamo ang paggiba sa kanilang mga tahanan.

Partikular na inireklamo ng mga biktima ng demolisyon ang kawalan ng maayos na relokasyon bago gibain ang kanilang mga bahay.

Sa isang panayam sa telepono, kinumpirma ni Defensor, dating Housing ang Urban Development Coordinating Council (HUDCC) chairman, na maraming urban poor ang personal na nagtutungo sa kanyang tahanan upang ihingi ng tulong ang kanilang problema lalo na yong mga nawalan ng tirahan.

Sinabi pa nito na umabot na sa 1. 2 milyon ang squatters sa Metro Manila kaya kasama sa dapat pagtuunan ng pansin ng mga senador sa papasok na 14th Congress ang problema ng mga urban poor.

Dapat na rin aniyang mag karoon ng isang independiyenteng lupon na may pangil, magbabantay at pipigil sa mga iligal na demolisyon.

Ipinaliwanag ni Defensor na maituturing na iligal ang paggiba sa bahay ng mga squatters kung walang maayos na paglilipatan o relokasyon para sa mga ito.

Si Defensor ay nanguna sa mga senatorial candidate na inindorso ng Urban Poor Alliance na may 600 non-government organizations at people’s organization na kumakatawan sa mahigit na 500,000 organisadong miyembro hindi lamang sa NCR kundi sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Isinusulong ng UP-ALL na magkaroon ng disenteng tahanan ang bawat pamilya mula sa hanay ng maralitang tagalungsod. (Malou Escudero)

vuukle comment

MALOU ESCUDERO

METRO MANILA

QUEZON CITY

SI DEFENSOR

TEAM UNITY

TOL MIKE DEFENSOR

URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with