Media ‘attack dog’ ni-libel

Sinampahan ngayon ng kasong libelo at paninirang puri ang komentarista ng radio station dwZR na si Ariel Ayque dahil sa umano’y mga kasinungalingan at mapanirang pahayag niya laban sa negosyanteng si Celso delos Angeles na kumakandidatong alkalde sa Sto. Domingo, Albay.

Napag-alaman na kliyente ni Ayque si Herbie Aguas, kalaban sa pulitika ni delos Angeles at nasa likod ng mga pag-atake sa huli.

Hinamon ng kampo ni delos Angeles si Ayque na itigil na ang paglalabas ng mga ulat na walang basehan at mga personal na paninirang-puri.

Ayon naman kay Edwin Cordevilla, isang public relation at advertising man na tinitira rin ni Ayque, dapat anyang interbyuhin at ipasagot ng huli kay Aguas ang isyu ng P27 milyong water scam at pagkawala ng mga relief goods na ukol sa mga biktima ng kalamidad.

Show comments