Si Cerafica na isang konsehal ay tumatakbo sa partido ni Mayor Freddie Tinga sa unang distrito.
Bilang konsehal, ipinatupad ni Cerafica ang iba’t ibang proyekto kabilang na ang pagtatayo ng daan, pagpapaunlad ng mga barangay at patubig. Nagbigay din siya ng scholarship sa mga mahihirap at wheelchair at hearing aid sa mga nangangailangan.
"Ang ekonomiya ng Taguig at Pateros ay patuloy na lumalaki at nais ko, bilang congressman, na ituloy ang pag-unlad na ito," wika niya.
Si Cerafica ay mula sa mahirap na pamilya na nagtiyaga upang makamit ang kanyang mga pangarap.