^

Bansa

Ate Vi umatras, bayaw pinagbigyan

-
Iniatras na ng aktres at mayor ng Lipa City na si Vilma Santos ang kanyang kandidatura sa pagka-gobernador ng Batangas para bigyang-daan ang bayaw niyang si Vice Governor Richard "Ricky" Recto.

Iniulat kahapon ng radio station DZMM na kinumpirma ng ina ng vice governor na si Carmen Recto at ng asawa ni Vilma na si Senatorial candidate Ralph Recto.

"Tatakbong gobernador (ng batangas) si Vice Governor. At si Vilma. Hindi ko alam ang mangyayari sa kanya. Baka tumakbo siya sa Kongreso," sabi ni Carmen.

Sa proclamation rally ng Team Unity ng administrasyon sa Lingayen, Pangasinan, sinabi ni Senator Recto na aatras ang kanyang maybahay kung itutuloy ni Richard ang plano nitong kumandidatong gobernador (ng Batangas).

Inamin ni Recto na naniniwala siyang mas malaki ang magagawa ni Vilma bilang gobernador kaysa sa kanyang kapatid pero isang pagkakamali na maglalaban-laban sa pulitika ang mga miyembro ng isang pamilya.

Naunang nagkaroon ng tampuhan ang magkapatid na Recto dahil sa napipintong pagkandidato ni Vilma sa pagka-gobernador pero sinabi ng alkalde sa mga naunang panayam na prayoridad niya ang kanyang pamilya at nais niyang malutas na ang usapang ito.

vuukle comment

BATANGAS

CARMEN RECTO

LIPA CITY

RALPH RECTO

SENATOR RECTO

TEAM UNITY

VICE GOVERNOR

VICE GOVERNOR RICHARD

VILMA

VILMA SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with