^

Bansa

Delas Alas walang fingerprints sa baril

-
Negatibo sa "fingerprints" sa baril si Rafael delas Alas, ang napatay na tauhan ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste.

Ito ang lumabas sa isinumiteng mga dokumento ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD) kay Sr. State Prosecutor Emmanuel Velaso, ang piskal na nagsasagawa ng re-investigation sa kaso.

Sa mga nakuhang ebidensiya ng SOCO, negatibo o hindi nakuha ng malinaw ang mga fingerprints sa 9mm caliber na hawak ni delas Alas at ang Cal. 380 na nakapatong sa lamesa at sinasabing pag-aari ni Leviste.

Sa pakikipag-usap ni Velasco sa mga tauhan ng SOCO, sinabi ng mga ito na ilan lang sa mga posibleng dahilan ng malabong "fingerprints" ay ang posibleng pagbura rito, ang hindi madiin na pagkakahawak sa baril, makinis na surface ng baril at ang malamig na aircon na pwedeng magdulot ng "moisture" sa baril.

Hindi rin nag-match sa fingerprint ni delas Alas ang mga nakuhang mga marka sa natagpuang basag na baso at dalawang bote ng alak sa crime scene taliwas sa pahayag ni Nelia Gonzalez sa insidente na sinabi umano ni delas Alas na "ayoko ng kape gusto ko alak" dahilan para magpa-serve si Leviste ng wine. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ANTONIO LEVISTE

BATANGAS GOV

CRUZ

LEVISTE

NELIA GONZALEZ

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SOUTHERN POLICE DISTRICT

SR. STATE PROSECUTOR EMMANUEL VELASO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with