Lahar ng Taal, Pinatubo rumagasa

MANILA, Philippines — Nagtala ang Phivolcs ng pagdaloy ng lahar sa dalisdis ng Bulkang Pinatubo sa Zambales at Bulkang Taal sa Batangas, dulot ng patuloy na pag-ulan mula sa epekto ng habagat.
Sa inilabas na lahar advisory, nagbabala ang ahensiya na maaaring makalikha ng muddy streamflows o muddy run-off sa mga ilog at drainage areas ng dalawang bulkan.
“Lahar in Pinatubo are likely to be channel-confined and occur on the upper to middle reaches of the Sto. Tomas-Marella and Bucao River systems,” ayon sa Phivolcs.
Apektado ng Pinatubo (Zambales) ang mga komunidad ng San Marcelino, San Narciso, San Felipe at Botolan habang sa Taal (Batangas) ay Agoncillo, Laurel, kanlurang slopes ng Taal Lake.
Ayon sa Phivolcs, ang matinding ulan ay maaaring lumikha ng lahar at putik na makakaapekto sa mga komunidad. Nananawagan ang ahensiya sa mga LGU na magpatuloy sa monitoring at magsagawa ng preemptive response measures.
Samantala, alas-11 ng umaga kahapon, nagpalabas ang Pagasa ng red rainfall warning sa Metro Manila, Zambales, Bataan, western Tarlac, Pampanga, Bulacan, western Rizal, northern at western Cavite, at northern Occidental Mindoro.
Isinailalim naman sa orange rainfall warning ang Tarlac, Rizal, Laguna, Cavite, central at southern Batangas, at central Occidental Mindoro.
- Latest



















