^

Bansa

Sen. Loi pumalag kay Chavit

-
Mahigpit na itinanggi kahapon ni Sen. Luisa Ejercito Estrada ang paratang ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na ang kanyang asawang si dating Pangulong Joseph Estrada ang nagpatibay ng $470 milyong power contract ng pamahalaan sa Argentinian firm na Industrias Metalurgicas Pescarmona Sociedad Anonima (IMPSA).

Ayon kay Sen. Estrada, kailangang ipakita ni Singson ang kopya ng nasabing kontrata kung nagsasabi nga siya ng totoo na napagtibay ng pamahalaan ang kontrata para sa rehabilitasyon ng Caliraya-Botocan-Kalayaan(CBK) hydroelectric plant noong panahon ng panunungkulan ng dating pangulo. Binigyang-diin ng senadora na ang sinasabi ni Singson hinggil sa isang video ng paglagda diumano ng dating Pangulo sa kontrata ng Impsa ay walang katotohanan dahil ang isinulat ng kanyang asawa ay pag-aralan muna ang legalidad ng kontrata lalo pa’t may nakasulat ditong "sovereign guarantee".

"Dapat ang ilabas nila yung kontrata hindi iyang video na iyan," wika ni Dra. Loi. Ipinaliwanag pa ni Sen. Estrada na tatlong araw matapos na palayasin sa Malakanyang ang kanyang asawa, naplantsa ang kontrata ng pamahalaan sa Impsa matapos na magpalabas ng legal opinion si dating Justice Secretary Hernando Perez pabor sa kontrata. Idinagdag pa nito na kahit na sa mga hearing ng Sandiganbayan hinggil sa kasong plunder na kinakaharap ng dating Pangulo, walang nailabas na ebidensiya ang prosekusyon na sangkot si Erap sa Impsa deal. Kasabay nito ay inusisa naman ng senadora kung bakit tinulugan ng Senado ang imbestigasyon sa kontrobersyal na power deal ng pamahalaan sa Impsa.

Taong 2004 pa naghain ng resolusyon si Sen. Panfilo Lacson upang mapaimbestigahan ang isyung ito subalit walang naganap na imbestigasyon sa anomalyang ito. (Rudy Andal)

vuukle comment

ILOCOS SUR GOV

IMPSA

INDUSTRIAS METALURGICAS PESCARMONA SOCIEDAD ANONIMA

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

KONTRATA

LUISA EJERCITO ESTRADA

PANFILO LACSON

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with