^

Bansa

Sibilyan itatalaga sa DND — Palasyo

-
Malaki ang posibilidad na sibilyan ang italaga ni Pangulong Arroyo bilang defense chief bilang tugon sa rekomendasyon ng Feliciano Commission na nag-imbestiga sa naganap na 2003 Oakwood mutiny.

Inihayag ito ng isang mataas na opisyal ng Palasyo na ayaw magpabanggit ng pangalan matapos ihain kay Pangulong Arroyo ang shortlist ng kandidato bilang bagong defense chief.

Sa pagtataya ng opisyal, malamang katigan ng Pangulo ang rekomendasyon ng Feliciano Commission dulot nang malawakang kahilingan ng maraming sektor na sibilyan ang italaga sa defense portfolio.

"Malaki ang posibilidad na sibilyan ang italaga sa defense portfolio dahil mas kinakatigan ni Pangulong Arroyo ang kahilingan ng nakakarami tulad ng mga naunang desisyon nito sa mga pambansang isyu," giit ng opisyal.

Sinabi naman ni dating DND Secretary Avelino "Nonong" Cruz na makabubuting isang abogado ang maitalaga sa naturang posisyon dahil malalim ang pag-uunawa nito sa batas na siyang higit na kailangan sa pagpapatuloy ng implementasyon ng AFP Modernization Act. (Lilia Tolentino)

vuukle comment

CRUZ

FELICIANO COMMISSION

INIHAYAG

LILIA TOLENTINO

MALAKI

MODERNIZATION ACT

NONONG

PALASYO

PANGULONG ARROYO

SECRETARY AVELINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with