^

Bansa

Hamon sa bulakbol na mga kongresista: ‘Dumalo sa sesyon!’

-
Umapela kahapon si Malabon-Navotas Rep. Federico Sandoval sa kanilang mga kasamahan na dumalo sa marathon session upang mapabilis ang pagpasa ng 2007 national budget at maiwasan ang muling paggamit sa lumang budget.

Problema ng Kamara ang mga pasaway na kongresista na palaging absent sa sesyon lalo pa’t minamadali ngayon ang pagpasa ng P1.13 trilyon 2007 budget.

Ilang oras na nabitin kahapon ng umaga ang pagsisimula ng marathon session dahil wala na namang quorum o sapat na bilang ng mga kongresista para masimulan ang sesyon.

Sinabi naman ni Sandoval na walang silbi ang gagawin nilang marathon session kung hindi sisipot sa plenaryo ang mga kongresista.

Pero siniguro ni House Majority Leader Prospero Nograles na hindi nila papayagang muling magkaroon ng re-enacted budget.

Ayon kay Nograles, kahit abutin sila ng madaling araw ay kanilang gagawin ang deliberasyon maaprubahan lamang ang 2007 proposed national budget.

Prayoridad ng Kamara ang budget para sa susunod na taon at ikalawa sa agenda ang Charter Change. (Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

BUDGET

CHARTER CHANGE

FEDERICO SANDOVAL

HOUSE MAJORITY LEADER PROSPERO NOGRALES

ILANG

KAMARA

MALABON-NAVOTAS REP

MALOU ESCUDERO

NOGRALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with