^

Bansa

Gasket ng Solar 1 malapit na ring pumutok

-
Posibleng malapit na ring pumutok ang iba pang tangke ng lumubog na MT Solar 1 matapos na madiskubre ng "remote operated vehicle" ng Shin Shei Maru na may mga sira na ang mga container gasket dulot ng matinding air pressure, may 640 metrong lalim sa karagatan ng Guimaras.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), sinabi ng mga surveyor buhat sa Shin Shei Maru na nadiskubre ang mga sira matapos na ikalawang beses na pag-aaral ng ROV sa lumubog na tanker. Nadiskubre rin na nakabukas na ang "compartment 4" ng tanker na siyang pinagmulan ng langis na tumagas sa dagat.

Tinataya ng PCG na mahigit 500,000 litro na ng langis ang tumagas sa karagatan ng Panay Gulf ngunit naglalaman lamang umano ang bawat compartment ng tanker ng 200,000 litro.

Dahil dito, nagmamadali na ngayon ang mga eksperto sa pag-aaral kung paano maiaahon sa ilalim ng dagat ang naturang tanker bago tuluyang pumutok ang mga tangke. Kung diretsong iaahon ang tanker, maaari umanong mawasak ito dahil sa air pressure sa ilalim ng dagat. Kung sisipsipin naman muna ang laman na langis, problema pa ngayon ng Petron kung anong equipment at kung saan kukuha nito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DAHIL

DANILO GARCIA

GUIMARAS

NADISKUBRE

PANAY GULF

PETRON

PHILIPPINE COAST GUARD

POSIBLENG

SHIN SHEI MARU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with