^

Bansa

‘Joc-Joc’ nagwala sa House

-
Nabulabog kahapon ang pagsisimula nang pagdinig ng House committee on justice sa impeachment complaint ni Pangulong Arroyo matapos magsisigaw ang isang babae at magpakilalang siya ang kontrobersiyal na si "Joc-Joc Bolante."

Umagaw ng eksena ang babae na nakilala sa pangalang Virginia Diaz nang bigla itong magsisigaw ng "Congressman, tulungan n’yo ako" dahilan para agad siyang saklolohan ng mga miyembro ng Legislative Security Bureau.

Sa pag-aakalang may nangyayaring masama sa babae ay sumugod naman dito si Rep. Teddy Casino at inalalayan ang babae na noo’y nakapuwesto sa ikalawang gallery at nakasuot ng kulay puting t-shirt at jogging pants.

Nang kunan na ng pahayag si Diaz, sinabi nito na nais niyang humingi ng tulong sa mga kongresista dahil palagi siyang sinusundan ng camera at palagi siyang bini-video.

Maging sa loob umano ng kanyang bahay ay may mga nakatutok sa kanyang camera dahil siya ang kontrobersiyal na si dating Agriculture Undersec. Jocjoc Bolante.

Agad namang nagsi-urong ang mga cameramen at mga miyembro ng media na nagkagulo kay Diaz nang marinig na ito si Joc-Joc Bolante.

Ayon sa isang security, hindi naman nila halatang "may sayad" si Diaz dahil maayos ang hitsura nito.

Maayos namang inilabas ng session hall si Diaz at isinakay sa isang taxi at ibinaba umano sa may harapan ng Sandiganbayan. (Malou Escudero)

vuukle comment

AGRICULTURE UNDERSEC

AYON

DIAZ

JOC-JOC BOLANTE

JOCJOC BOLANTE

LEGISLATIVE SECURITY BUREAU

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ARROYO

TEDDY CASINO

VIRGINIA DIAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with