^

Bansa

Comelec officials pinasisibak ng Ombudsman

-
Inirekomenda ng Office of the Ombudsman sa isinumite nitong report sa Supreme Court (SC) na ma-impeach at masibak sa puwesto si Comelec Commissioner Resureccion Borra habang sasampahan naman ng kasong graft ang ilang opisyal nito at ng kompanyang Mega Pacific kaugnay sa maanomalyang bentahan ng automated counting machines.

Sa ipinadalang kopya ng resolution ni Ombudsman Merceditas Gutierrez sa SC, sinabi nito na may matibay na basehan upang sampahan ng kasong graft at masibak sa puwesto ang mga opisyal ng Comelec na nakatalaga sa Bids and Awards Committee na kinabibilangan nina Chairman Eduardo Mejos at mga miyembrong sina Gideon de Guzman, Jose Balbuenas, Lamberto Llamas at Bartolome Sinocruz, Jr., habang ang mga opisyal ng Mega Pacific ay sina Willy Yu, Bonnie Yu, Enrique Tansipek, Rosita Tansipek, Pedro Tan, Johnson Fong, Bernand Fong at Laureano Barrios.

Ipinaliwanag ng Ombudsman na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga nasabing opisyal ng Comelec at Mega Pacific kaya dito nai-award ang pagbili ng automated counting machines na gagamitin sana noong nakaraang May 10 presidential elections.

Gayunman, ipinaliwanag ng Ombudsman na wala pa itong hawak na matibay na basehan upang isulong ang kasong plunder sa Sandiganbayan laban sa mga ito. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BARTOLOME SINOCRUZ

BERNAND FONG

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

BONNIE YU

CHAIRMAN EDUARDO MEJOS

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER RESURECCION BORRA

ENRIQUE TANSIPEK

JOHNSON FONG

JOSE BALBUENAS

MEGA PACIFIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with