Sementong gawa sa Pinas mahinang klase raw

Pinasisiyasat ni Quezon Rep. Danilo Suarez sa House committee on oversight ang ulat na ilang manufacturers ng semento sa Pilipinas ang gumagawa ng mahinang klase ng semento na posibleng maging dahilan sa pagbagsak ng cement industry ng bansa at pagsimulan ng disgrasya.

Naungkat ang mahinang klase ng semento na ginagawa sa Pilipinas sa deliberasyon ng komite kung saan sinabi ng isang resource person na nire-reject ng mga foreign consultants ang cement products na gawa sa bansa dahil sa "poor and inferior quality".

Ni-reject anya ng mga foreign consultants ang mga locally manufactured cement at mas pinaboran ang mga imported na semento mula sa Vietnam para gamitin sa on-going construction ng Subic-Clark-Tarlac Expressway project.

Kung totoo aniya ang ulat, siguradong hindi matitibay ang mga istraktura at buildings na ginamitan ng mga locally manufactured cement at posibleng bumigay ang mga ito ‘pag nagtagal. (Malou Escudero)

Show comments