Drilon sinibak sa Liberal Party!
March 3, 2006 | 12:00am
Nagkakaisang sinibak kahapon bilang pangulo ng pinakamalakas na partido pulitikal ng Liberal Party (LP) si Senate President Franklin Drilon matapos magbotohan ang mga miyembro nito sa Manila Hotel.
Ipinalit kay Drilon si Manila Mayor Lito Atienza habang inihalal na chairman si Presidential Staff Sec. Mike Defensor.
Ayon kay Cong. Junie Cua ng Quirino Province, kaya nila pinagkaisahang alisin si Drilon ay dahil nabigo itong gawin ang kanyang trabaho bilang pangulo ng partido. Simula raw noong 2004, si Drilon ay hindi man lang nagpatawag ng executive council meeting.
Sinabi naman ni Drilon na ilegal ang ginawang botohan at ginagamit daw ng Malacañang si Atienza sa pamamagitan ng pag-utos sa LP na magsagawa ng isang national assembly para suportahan ang Proclamation 1017 ni Pangulong Arroyo.
Nauna nang inihayag ni Atienza na magkakaroon ng konbensiyon ang LP para palitan si Drilon bilang pangulo bilang kaparusahan matapos na manawagan itong magbitiw na sa tungkulin.
Samantala, kinastigo ng constitutional law experts ang kanilang kasamahang si dating Consultative Commission on Constitutional Amendments Vicente Paterno dahil sa panloloko o pagsisinungaling bagamat maliwanag naman sa ilalim ng Concom-proposed transitory provisions na ang kapangyarihan ni Pangulong Arroyo ay bumaba sa halip na lumawak para bigyang-daan ang pagiging prime minister ng transition Parliament.
Sinabi ni Atty. Raul Lambino na si Paterno ay gumagawa lamang ng detalye sa pagsasabing ang Concom ay nagbibigay ng kapangyarihan kay GMA tulad ng kay Marcos gayung ang katotohanan ay ang Chief Executive "would actually be turning over certain powers to the interim prime minister who will infact be elected by the parliament". (Gemma Garcia/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended