Intramuros tema ng photo contest

Inilunsad ng Federation of Philippine Photographers Foundation ang isang on-the-spot photo na eksklusibo sa mga estudyante sa kolehiyo. Ito ay bahagi ng Photoworld Manila 2006, ang pinakamalaki at pinakamatagal na photo event sa Southeast Asia.

Ang tema ng paligsahan ay ang makasaysayang Intramuros na may paksang "Focus on the Future". Ang mga kalahok ay inaasahang gagamit ng bagong pamamaraan sa digital imaging at digital editing.

Maaring kunan ang anumang eksena, landscape, architecture, infrastructural, monumento, restoran at iba pang kainan, clampshell ng Dep’t of Toursim, mga kalye at iskinita, simbahan, tao, kalakal, pangyayari at kasaysayan.

Tatanggap ng Fujifilm digital camera ang 1st-3rd prize at may libreng rehistrasyon sa Photoworld Manila 2006 hanggang 10th prize.

Show comments