Biyaheng Gloria lumalawak
May 5, 2004 | 12:00am
Sasalubungin ng may 50,000 taga-suporta ni Pangulong Arroyo ang pagdating ng Biyaheng Gloria caravan sa National Capital Region na sabay-sabay na naglakbay mula Tawi-tawi hanggang Batanes noong Marso 25.
Ayon kay Robert Bastillo, spokesman ng Biyaheng Gloria, ang pagsasama-sama ng mga pro-Gloria ay paglikha din ng human chain na lalahukan ng may 10,000 katao mula Taft Ave. sa Pasay at España Ave. sa southern Philippines at magkikita naman sa Liwasang Bonifacio kung saan gaganapin ang Gloria-look alike contest.
Ang Biyaheng Gloria caravan ay naglakbay na sa Northern at Central Luzon, Southern Tagalog at mga lalawigan sa Visayas at Mindanao na umaabot sa 40 pangunahing lalawigan na tinatayang may 36 milyon botante.
Sinabi naman ni Alex Caugurian, secretary general ng PRO-GLORIA na ang signature campaign sa mga lalawigan para kay Pangulong Arroyo ay lalagpas pa ng 3,000,000. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest