^

Bansa

FPJ binato sa sentido

-
DASMARIÑAS, Cavite - Binato ng kahoy ng hindi nakikilalang anti-FPJ si KNP standard bearer Fernando Poe, Jr. habang nasa motorcade ito kamakalawa ng hapon.

Tinamaan si FPJ ng maliit na kahoy sa kanyang kaliwang sintido matapos itong batuhin bandang alas-4 ng hapon nang dumaan ang motorcade ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) sa bayan ng Dasmariñas.

Hindi nalaman kung sino ang nambato ng kasinglaki ng lapis na kahoy kay Da King na ininda din nito habang kumakaway sa libo-libong tao na naghihintay sa kanya sa lalawigang sinasabing balwarte ng kanyang katunggaling si Sen. Panfilo Lacson.

Binalewala naman ni FPJ ang nasabing pambabato at hindi nawala ang kontrol nito sa halip ay nakangiti pa ring kumakaway sa Caviteños.

Dahil dito, kinansela ng KNP ang kanilang campaign sortie sa Pampanga sa pangamba na hindi dumugin ang rally dahil sa balwarte ito ni Pangulong Arroyo.

Wika ng impormante, natatakot silang maulit ang nangyaring pambabato kay Poe.

Maging ang pangangampanya sa Davao City ay kinansela rin kahapon matapos mabigo ang mga ito na makuha sa kanilang kampo si Mayor Rodrigo Duterte.

Hindi na rin itinuloy ang pangangampanya ng KNP sa Palawan partikular sa Puerto Princesa City dahil hindi din nila makuha sa kanilang grupo si Mayor Edward Hagedorm na kakampi ngayon ni Pangulong Arroyo.

Nagtungo na lamang kahapon si FPJ at buong tiket ng KNP sa Tarlac kung saan ay sinalubong naman siya ni Sen. Tessie Aquino-Oreta. (Ulat ni Rudy Andal)

CAVITE

DA KING

DAVAO CITY

FERNANDO POE

MAYOR EDWARD HAGEDORM

MAYOR RODRIGO DUTERTE

NAGKAKAISANG PILIPINO

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

PUERTO PRINCESA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with